Abril 03,2010
Katatapos lang ng Biyernes santo at ngayon ay araw ng Sabado de Gloria. Narinig ko ang kalembang ng mga matatanda kaninang madaling araw at ito ay isang tunog na nagpapahiwatag na hinahanap na ang libingan ni Hesus. Kasabay ng mga naka itim na matatanda na may dala dalang daso ang isang nag aabang na bukang liwayway na puno ng ligaya at pag asa.
Halos dalawang araw na ring napapagod ang makina ng aking ulo kakaisip kung saan ako patutungo. Nawawala? Oo, mukhang naiipit ako sa malaking kawalan. Ganito pala kapag katatapos mo lang ng kolehiyo. Puno ng pangarap ngunit ginigimbal ng takot na masawak ang binuo na matayog at mataas na bukas.
Anim na araw na ang nakalipas simula ng magtapos ako at katulad ng karamihan, pagod sa pag aaral ngunit determinadong makahanap ng maayos at maipagmamalaking trabaho. Halos pagal na ang aking mga daliri sa kakataypo. Ewan. Sa ngayon, kinakabog ang dibdib ko, nangangamba na sa mga susunod na araw nandito parin ako sa harap ng kompyuter at lumang telepono. Bahala na. Hindi naman ako pababayaan ng Maykapal hindi ba? Uusad rin si Pangarap.
Hindi araw araw mapapakinggan ng aking tainga ang kumakalembang na mga bagay dahil hindi araw araw ay sabado de gloria o panahon ng mahal na araw. Ngunit hindi magbabago ang bukang liwayway na kahit hindi ko nasisilayan mula sa nabubulok kong kisame tz inaanay na bintana ay ngingiti at magsasabing,
"NANDITO NANAMAN AKO. KAHIT AYAW MO. SISINAGAN KO ANG MADILIM MONG MUNDO'
Saturday, April 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
muling napadpad sa iyong pook sapot... anong nangyari dito???
ReplyDeletekumusta na kaya ang gulay? naalala ko lng pasyalan tong blog mo akala ko nagawi ka dito... pag nagawi ka ulit dito pm mo ko sa facebook >>> eris_carino@yahoo.com
ReplyDelete